Bortang Sekyu (Unang Bahagi)
Babala: Naglalaman ng malalaswang eksena, karahasan, at malulupit na salita.
Hindi ko mapigilang mapairap sa hangin dahil sa winika ng aking ina. Heto nanaman kasi siya, kung ituring niya ako ay para akong mangingibang bansa. Luluwas lang naman ako sa lungsod upang makapag asikaso ng aking papeles dahil balak ko ring mag-take ng board exam.
Halos dalawang taon na rin kasi nang makapagtapos ako sa kolehiyo. Hindi na ako nag-take ng board exam at nakuntento na lamang sa pagbabantay ng aming maliit na tindahan. Ngayon lamang sumagi sa aking isipan na kailangan ko ring gamitin ang aking napag-aralan. Lumalaki na rin kasi ang mga gastusin dito sa bahay. Suportado naman ako ni Mama sa aking naging desisyon.
"Wag ka pasaway doon, kung hindi ay kagagalitan ka ng Tito Jules mo..." Halos mangingiyak-ngiyak pa siyang naghahabilin habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit.
Nang malaman ito ni Ate Agnes, ang butihin naming kapitbahay ay nag-offer itong patuluyin ako sa tinutuluyan ng kanyang asawa na si Tito Jules. Security Guard iyon sa pribadong kompanya sa lungsod, malaki ang sahod kaya doon napiling magtrabaho.
"Nakikinig ka ba sa akin?" Ang kaninang malungkot niyang disposisyon ay napalitan ng inis. Napaismid na lamang ako sa ipinamalas niyang pagbabago ng mood.
"Opo ma." Sagot ko na lamang upang hindi na humaba pa ang usapan.
Marami pa siyang ibinilin bago ako nakaalis ng bahay. Umalma pa ako nang binalak niyang padalhan si Kuya Jules ng iilang piling ng saging. Hassle iyon kung bibitbitin ko pa.
Nang makasakay ng bus ay higit tatlong oras ang aming ibinyahe patungo lungsod. Todo kindat pa sa akin kanina ang isang mama nang 'di ko sinasadyang masagi ang kanyang harapan. Marami kasing bumababang pasahero kaya't kailangan pang makipagsiksikan para makababa kaagad.
Dahil hindi na bago sa akin ang pagluwas ng lungsod ay mabilis ko lamang natunton ang inuupahang boarding house ni Tito Jules. Maghigpit na ipinag-bilin ni Ate Agnes na mag half day muna ito sa trabaho upang hindi na ako maghintay ng iilan pang oras ng kanyang pag-uwi. Nahihiya nga ako dahil matindi iyong abala. Mabuti na lamang at ka-close nito ang kanyang boss kaya agad naman siyang pinayagan.
Nang pagbuksan ng pintuan ay tumambad sa akin ang pawisang si Tito Jules. Mukhang kakagaling lamang niya sa pagwo-work out. Hindi na sa akin bago iyon dahil madalas ko siya dating pinapanood habang nagpeperform ng iilang work out routines sa kanilang bakuran.
Gwapong-gwapo ito sa gupit nitong buzz cut. Medyo may kaputian din kaya't malinis at mabangong tingnan kahit pa tagaktak ang pawis. Puting Sando lamang ang suot nitong pang-itaas kaya't nakabalandra saakin ang namumutok niyang biceps. Dock Shorts naman ang suot niya pang ibaba at bakat na bakat doon ang bukol sa kanyang harapan.
Halos ilang segundo ring tumagal ang titig ko doon. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang pilyong ngiting sinusupil ni Tito Jules habang kanyang mga mata ay mapaglarong kumiskislap.
"Kumusta ang byahe? nakakapagod?" Tanong nito.
"Ayos lang po Tito. Sanay naman na ako." Tipid kong tugon at saka inilibot ang tingin sa kabuuan ng lugar.
Hindi naman iyon kalakihan ngunit mukhang malinis at komportable. Nakaputing tiles ang sahig hanggang sa may lababo. May maliit na refrigerator sa gilid at isang maliit na lamesita na may dalawang upuan. Iisa lang rin ang kama, malaki naman iyon ngunit alam kong kailangan ko pang makipagsiksikan para kumasya kaming dalawa ni Tito Jules. Sa laki at tangkad ba naman ni tito ay tiyak na kaya nitong sakupin ang buong kama.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ang isang sofa kaharap ng maliit na telebisyon. Marahil ay doon na lamang ako matutulog.
Lumapit saakin si Tito Jules at saka ako inakbayan. Ramdam ko ang paglapat ng pawisan niyang braso sa aking batok.
Ang sarap!
Napakagat naman ako ng aking labi dahil sa pagdikit ng kanyang dibdib sa aking tagiliran. Natutukso akong damhin iyon ng aking palad ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
"Ang laki-laki mo na! parang noong huling kita natin ay bagito ka pa." Tuwang-tuwa nitong wika at saka kinusot ang aking buhok.
"Oo nga po tito." Tugon ko habang pilit na sinusupil ang makamundong pagnanasa na nagsimulang gumapang sa aking sistema.
Matapos niya akong tulungan sa pagbuhat ng aking mga bagahe ay dumeretso siya sa maliit na lamesita at saka nagsalin ng tubig sa baso. Inisang lagok lang niya iyon saka nagsalin muli. Inalok niya pa ako ng tubig na siya ko rin namang tinanggihan.
"Wala kasi akong magawa kaya't nag push up na lang ako habang nag-aantay sayo." Paliwanag nito.
Tipid lamang akong tumango at saka komportableng naupo sa maliit na sofa. Lumapit si Kuya Jules sa aking kinaroroonan at saka prenteng naupo sa aking tabi. Dahil hindi kalakihan ay nasakop niya ang buong espasyo. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang magdikit ang aming mga binti.
Umurong ako ng kaunti at ipinagsiksikan ang aking sarili sa may gilid. Nang mapansin niya ang aking pagkailang ay tipid siyang tumikhim at saki ini-on ang TV gamit ang remote galing sa lapag ng mesa.
"Siya nga pala, anong gusto mong ulam?"
Ikaw!
Mabuti na lamang ay narendahan ko ang aking bibig. Lihim kong kinastigo ang aking sarili dahil kung hindi ko napigilan ay iyon ang aking naisatinig. Iba talaga ang nadadala ng makamundong pag-iisip.
"Kung anong meron, iyon na lang." Sagot ko at saka nagkunwaring naka-pokus sa telebisyon kahit pa na wala doon ang buo kong atensyon.
Nakakahiya rin kung magdedemand pa ako ng mga pagkaing gusto ko. Mahigpit na ipinag-bilin ni mama na kailangan kong makisama. Malaking abala na ang pagtuloy ko rito ng libre kaya't sino nga ba ako para mag inarte?
Tipid naman siyang tumango. Hindi na siya muling nagtanong pa kaya't naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Tahimik lamang kaming nanood ng telebisyon hanggang sa sumapit ang takip silim.
Nagluto lamang siya ng corned beef sa aming hapunan. Nag-offer pa ako na ako na lang ang magsaing ngunit todo tanggi naman ito. Hindi naman raw iyon mabigat na gawain at kayang-kaya na niya. Wala naman na akong nagawa kundi antayin na lamang siyang matapos sa kanyang ginagawa.
Habang kumakain ay todo hingi pa ito sa akin ng paumanhin. Lingguhan lamang raw siya kung mamalengke kaya't puro de lata lamang ang kanyang stocks. Gabi na kung matapos ang kanyang duty at madalas umuwing pagod kaya't pahirapan sa kanya ang pagpunta sa palengke.
Sinabi kong wala namang kaso sa akin iyon. Paborito ko namang ulam ang Corned Beef kaya't wala dapat siyang ika-hingi ng pasensya.
Nang oras na nang pagtulog ay problemado ako. Paano'y ipinagpipilitan niyang tabi kaming matulog. Ang sabi ko'y sa sofa na lamang ako matutulog, ngunit hindi siya pumayag. Hindi naman na daw ako iba sa kanya kaya't wala na akong nagawa.
Lumalim na ang gabi ngunit hindi ako magawang dalawin ng antok. Tahimik ang buong paligid. Tanging ang pagpitik lang ng kamay nang orasan sa may gilid ang iyong maririnig.
Nakatagilid ako ng higa dahil hindi ko alam ang magagawa ng malikot kong mga kamay sakaling magkarahap kami ni Tito Jules. Binabahayan pa naman ng makamundong pagnanasa ang aking kaisipan.
Nanlaki naman ang mata ko nang umikot ang aking katabi. Pumulupot ang kamay niya sa aking balakang at ramdam na ramdam ko ang paglapat ng kanyang mainit na katawan sa aking likuran. Huli na nang mapansin ko ang tila bakal na tumutusok sa aking pang upo.
Babangon sana ako ngunit idinantay niya ang
kanyang binti sa aking hita, dahilan kung bakit hirap ako sa pagalaw. Hindi pa siya nakuntento at ikiniskis pa niya ang galit na galit niyang alaga sa umbok ng aking puwetan.
Lihim akong napamura at muling sinubukang kumawala ngunit hindi ako nagtagumpay. Nagpakawala siya ng mahinang ungol at halinghing. Tuluyan na akong nawalan ng pag- asang dalawin pa ng antok.
Mataas na ang araw nang magising ako kinabukasan. Nakabihis na si Tito Jules nang ako'y magising, handa nang gumayak sa kanyang trabaho. May nakahanda na ring pagkain sa lamesa.
Puyat na puyat ako at mabigat ang aking mga mata. Tango at mahinang ungol na lamang ang naisagot ko kay Tito nang magpaalam ito saaking aalis. Iniwan pa nito saakin ang susi sakali raw na may kailangan akong gawin sa labas.
Kahit na antok ay pinilit kong bumangon at naligo. Nagbihis lamang ako ng puting Polo Shirt at saka black pants. Panarisan ko iyon ng itim na Flamingo Top Sider para naman kahit paano'y magmukhang pormal. Kakaunti lang ang kinain ko sa inihandang pagkain ni Tito dahil bukod sa nagmamadali ako ay wala rin akong gana.
Sinigurado ko munang na lock ang pintuan ng kuwarto ni Tito Jules bago umalis. Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyanteng kaboard mate niya kaya't labis akong nailang. Nang matapos makapag file ng aking mga papeles sa PRC ay naisipan kong dumaan sa palengke. May tatlong araw pa bago mag start ang review sa inapplayan kong review center. Nang may madaanang Wet Market ay saka ako bumili gulay, karne, at iilan pang mga stocks.
Nang maka-uwi ay agad akong nagbihis at saka nagluto ng kakainin. Napagpasyahan kong magluto ng adobo. Specialty iyon ni Mama na itunuro niya saakin at madalas ngang purihin ni Ate Agnes sa tuwing bibigyan. May baong kanin si Kuya Jules at tiyak akong hindi yun dito kakain ng pananghalian, ngunit dinamihan ko parin ang niluluto para initin na lamang mamaya.
Bandang ala-una na nang hapon ng dalawin ako ng antok nang sinubukang umidlip. Dahil nga sa puyat, ang aking pag-idlip ay nauwi sa tulog. Eksaktong alas kuwatro na nang ako'y magising. Dumako ang aking tingin sa tambak na labahin sa may gilid kaya't nagpagpasyahan kong ipaglaba si Tito Jules.
Habang nagdadampot ng mga labahin ay nakita ko ang suot niyang damit kahapon. Pinulot ko iyon at saka inamoy. Kamalat sa aking ilong ang amoy ng pinaghalong pawis at fabric conditioner. Hindi naman iyon masakit sa ilong, katunayan ay masarap iyon sa aking pang amoy.
Kumuha pa ako ng iilang damit at saka tumayo. Dahil sa aking ginawa ay nahulog ang puting brief mula sa loob ng kanyang boxer shorts. Agad akong dumukwang at saka agad iyong pinulot. Dahil sa labis na kyuryosidad ay inilapit ko iyon sa aking ilong.
Putang-ina, amoy titi ng barako!
Napakagat ako ng aking labi dahil sa sarap ng amoy nito. Muli kong inilapit iyon sa aking ilong at saka nilanghap nang mas matagal. Nag init ang aking pakiramdam at inalipin ng libog ang buo kong sistema. Napahawak ako loob ng aking shorts at saka hinimas ang kanina ko pang tigas na tigas na kargada.
Binitiwan ko ang hawak kong mga damit. Itinira ko lamang ang hawak kong puting brief. Agad akong pumasok ng banyo at pinaligaya ang aking sarili habang sinisinghot ang kakarampot na telang iyon.
Bandang alas-otso na nang umuwi si Tito Jules. Nakapagsaing na rin ako at nainit na kaninang nilutong ulam. Sakto namang naghahain ako sa hapag nang pumasok siya ng pintuan.
"Sakto ang dating mo tito. Halina't kumain na tayo ng hapunan habang mainit pa." Anyaya ko sa kanya.
Gusto kong palakpakan ang aking sarili. Nagawa ko pang umarteng normal na tila ba walang milagrong ginawa habang wala si Tito.
"Namalengke ka?" tanong nito nang matanawan ang pagkain sa mesa.
Tumango ako at saka tipid na ngumiti bilang tugon. Saglit muna itong naghubad ng sapatos bago tuluyang pumasok. Maliit lang naman ang kuwarto ni Kuya kaya't mabilis lang matanawan ang nasa loob. Inilapag niya ang kanyang bag sa maliit na sofa saka dumeretso sa hapag.
Nang tuluyan nang makaupo ay nilagyan ko ng kanin ang kanyang pinggan. Nagsalin rin ako ako ng tubig sa baso at inilagay iyon malapit sa kanya. Lalagyan ko pa sana siya ng ulam ng makita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang mapaglarong ngiting pilit niyang sinusupil. Dahil doon ay nakaramdam ako ng pagkailang.
Tumikhim ako at nagpasya nang umupo sa aking upuan. Kung pagsilbihan ko naman kasi siya ay daig pa ang asawa! marahil ay nagtataka siya sa aking mga ikini-kilos.
"Kain na tayo." Nahihiya kong pag-anyaya.
Nakahinga ako ng maluwag nang inalis niya saakin ang kanyang tingin. Dinampot niya ang kutsara't tinidor at saka nagsimulang kumain.
"Sarap." Aniya matapos sunod-sunod na pagsubo.
Lihim akong napangiti dahil sa papuring iyon. Hindi naman na saakin bago ang makatanggap ng compliment sa ibang tao, iba nga lang ang sayang hatid n'yon pag nanggaling kay Tito Jules.
Dumampot na rin ako ng kutsara at nagsimula nang kumain. Hindi pa ako ngangalahati sa pagkain ng maramdaman ko ang paa na umaakyat sa aking binti. Tila nanukso dahil sa kiliting dulot n'yon.
Nang mag angat ako ng tingin ay sinalubong iyon ng pilyong ngisi ni Tito Jules. Kumindat-kindat pa ito bago muling ipagpatuloy ang pagkain. Pilit kong inignora ang kanyang ginawa. Iwinaksi ko rin ang mga maruming kaisipan na nagsisimulang pagharian ang aking kaisipan.
Nang matapos ay napahawak siya sa kanyang tiyan, busog na busog raw siya sa kanyang kinain. Iilan pang papuri ang ibinigay niya sa aking niluto bago pumasok ng banyo. Niligpit ko naman ang aming pinagkainan at saka hinugasan. Saglit lamang akong matapos dahil kakaunti lang naman ang mga iyon.
Dahil walang magawa ay nagpasya na lamang akong manood ng TV. Nang makita ko ang isang DVD Player sa ilalim at iilang hilera ng CD ay agad ko iyong hinalungkat. Napaismid ako dahil halos lahat ng iyon ay R18 Films. Mukhang ito ang pumapawi sa lungkot ni Tito Jules tuwing namimiss si Ate Agnes.
Napukaw ang aking atensyon sa isang pelikula. Hollywood Film iyon na may pamagat na "Killing Me Softly." Dahil sa kyuryosidad ay ipinasak ko iyon sa player at nagconcentrate sa panood.
Nang magsimula na ang paglabas ay siya ring pag-upo ni Tito Jules saaking tabi. Nakasuot siya ng baby pink na muscle shirt at khaki shorts. Prente siyang umupo at inilagay pa sa sandalan ang kanyang braso. Dahil sa kaliitan ng sofa ay nasakop niya ang espasyo sa aking gilid. Nagdikit ang aming mga binti at kahit pa bagong paligo ay ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang balat.
Nang magsimula nang mag-play ang maiinit na eksena ay hindi na halos mapalagay ang nakupo sa aking tabi. Kahit pa deretso ang aking tingin ay nakikita ko pa rin sa aking peripheral vision ang pasimple niyang pagkambyo ng kanyang harapan.
Sa bawat pinapakawang ungol ng mga bida sa paglabas ay rinig ko ang bigat ng kanyang paghinga. Nang hindi na nakatiis ay kinain nito ang aming distanya at saka ibinaon ang kanyang mukhang sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang nagbabagang init ng kanyang katawan.
Nang 'di pa nakuntento ay kinuha niya pa ang kabila kong kamay at saka ipinatong iyon sa namumukol niyang harapan.
Gulat ko siyang nilingon. Dahil sa aking ginawa ay halos maglapat na ang aming labi. Kahit pa may pilyong ngisi ay hindi maipagkakaila ang pagkapula ng kanyang mukha. Halatang inalipin na ng libog si Tito Jules.
"Bakla ka hindi ba..." Bulong niya
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang tinuran. Hindi ko naman iyon inilihim ngunit hindi ko rin ipinangangalandakan. Binawi ko ang aking kamay at mahina siyang itinulak.
"Hi-hindi Tito..." Pagsisinungaling ko.
Lumaki ang kanyang ngisi dahil sa aking naging tugon. Muli niyang kinuha ang aking kamay at saka ipinatong sa umbok sa kanyang harapan. Ipinatong niya pa ang kanyang palad sa aking kamay upang hindi ko na iyon muling mabawi.
"Aminin mo na... tayo-tayo lang naman." Aniya at mahihimigan iyon ng kapilyuhan.
Ang kanyang mainit na hininga ay tumatama sa aking batok. Naghahatid nang nginig sa aking kalamnan. Nang tingnan ko siya sa mata ay nakita ko ang kakaibang kislap sa mga iyon.
Nang hindi na ako nakapagpigil ay walang sabi-sabi kong inatake ang kanyang labi. Itinapon ko ang lahat ng inhibisyon sa aking katawan at hinayaang lukubin ng pagnanasa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento